
Mas patok ngayon sa mga mamimili ang pagbili ng mga imported na bawang kumpara sa lokal na produkto sa mga merkado.
Ito ay dahil ibinibenta lang naman sa mas murang presyo ang mga imported na bawang na nasa P80 kada kilo kumpara sa locally produced garlic na ibinebenta naman sa mas mahal na presyo na P300 kada kilo.
Base ito sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa mga palengke.
Sa namonitor na 13 malalaking wet markets sa Metro Manila, base sa latest price watch ng DA, ang retail price ng imported na bawang garlic ay pumapalo sa P100 hanggang P130 subalit hindi nabanggit kung magkano ang retail price ng local garlic.
Ayon sa DA ang malaking price deficit ay nagudyok sa mga mamimili na bumili sa nasabing produkto mula sa ibang garlic-producing countries.
Sa kabila nito, siniguro ng DA na magiging available para sa mga consumer ang halos 4,000 MT ng bawang sa Abril na magmumula sa 22 garlic-producing towns ng Ilocos Region.
Kabilang ang Ilocos Norte at Ilocos Sur na top growers ng bawang sa bansa na may pinagsamang lawak ng produksyon ng bawang na 1,315.70 ektarya.










