-- Advertisements --

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi dapat maging dahilan ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte upang ipagpaliban ng Senado ang imbestigasyon sa umano’y flood control scam.

Ayon kay Cayetano, hindi dapat mapabayaan ang mga usapin ng korapsyon habang abala ang Senado sa impeachment proceedings. Aniya, mas malaki pa ang pondong sangkot sa kontrobersiya ng flood control projects kaya dapat ipagpatuloy ang mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Kasabay nito, muling pinuna ni Cayetano si Sen. Panfilo Lacson dahil umano sa paraan ng paghawak nito sa mga nakaraang imbestigasyon, at kinuwestiyon din ang posisyon ni Sen Erwin Tulfo na kailangan muna ng bagong ebidensya bago muling magsagawa ng pagdinig.

Samantala, itinanggi ni Senate Francis Escudero ang mga alegasyong tumanggap siya ng maleta ng pera kaugnay ng isyu. Nanawagan naman si Cayetano sa mga senador na manatiling patas at politically neutral habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang senator-judges sa impeachment trial. (report by Bombo Jai)