-- Advertisements --
Hihilingin ng abogado ng nasawing Ateneo De Manila University basketball player Rene Baterbonia sa Department of Foreign Affairs na maglabas ng immigration lookout bulletin sa head coach na si Tab Baldwin.
Ayon kay Atty.Israelito Torreon, na maaring ipadala nila ang nasabing request sa DFA ngayong araw.
Sinabi nito na hindi nila sinasabi na mayroong pananagutan ang nasabing coach at bahagi lamang ito para magtuloy-tuloy ang imbestigasyon.
Magugunitang nasawi si Baterbonia at ang team mate nitong si Divine Adili matapos malunod sa karatagan ng Dipaculao, Aurora habang isinasagawa ang kanilang team-building exercise noong araw ng Lunes.
















