-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sinimulan na ng Philippine Army ang imbestigasyon sa pagdukot at brutal na pagpatay sa sundalo sa Barangay Lahug, Tapaz, Capiz.
Ang biktima ay nakilala na si Corporal Frederick Villasis, 33-anyos, residente ng Barangay Jaena Norte, Jamindan, Capiz at kasapi ng Community Support Program Sustainment team ng militar.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na kanila nang sinisiyasat ang lahat ng mga anggulo upang matukoy ang mga myembro ng rebeldeng grupo na pumaslang kay Villasis.
Anya hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagpaslang kay Villasis dahil matapos itong dukutin, binaril pa ito sa likod.