Ayaw madaliin ng Philippine National Police ang gumugulong na imbestigasyon sa nangyaring PNP helicopter crash sa Laguna.
Ayon kay PNP Chief Gamboa hindi siya nagtakda ng deadline o palugit sa probe team ang SAITG “Bell 429” lalo’t isa ito sa pinakamalaking aksidenteng kinasangkutan ng kanilang hanay.
Sinabi ni Gamboa maraming iba pang ahensya na makakatuwang ang PNP sa ginagawang imbestigasyon.
Kabilang dito ang Philippine Air Force, Civil Aviation Authority of the Philippines, maging ang Bell experts o ang manufacturer ng helicopter.
Muling nagpulong kaninang hapob ang SITG at nakatakda nitong imbitahan ang ilang experto para magbigay linaw sa aksidente.
Tumanggi naman si Gamboa sabihin kung sinabihan ba siya ng piloto hinggil sa lugar na kanilang pag landingan at pag take off.
Sagot ni PNP chief under investigation pa rin ang ganitong mga pahayag.