-- Advertisements --
ILOILO CITY- Mismo si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang pumili ng kanyang mga gown na ginamit sa pageant.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jun-G Bayona Candelario, designer ng gown ni Rabiya, sinabi nito na hands on ang Ilongga beauty sa pagpili ng kanyang gown.
Ayon kay Candelario, humingi ng permiso ang Ilongga beauty queen kay Jonas Gaffud na co-founder ng beauty camp na Aces and Queens bago sila nagdesisyon sa susuoting gown ni Rabiya.
Ang puting gown na sinuot ni Rabiya sa preleminary competition ay natapos lang sa loob ng isang linggo.
Habang ang pulang gown naman anya ang na may mga swarovski crystals ay natapos sa loob ng isang buwan na tinuturing ni Rabiya bilang winning gown.