-- Advertisements --

Inihihirit ngayon ni House Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin ang mahigpit na pagsunod sa building standards kasunod ng 6.8 magnitide na lindol sa tumama sa Sarangani Province.

Ayon kay Garin maraming mga structures sa Sarangani ang nasira dahil sa malakas na lindol.

Sa interpelasyon ni Garin kay ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo’s sa kaniyang privilege speech hinggil sa panawagan nito na amyendahan ang building code matapos tumama ang malakas na lindol sa Sarangani.

“Hindi po ba kapag government projects or even privately funded projects and privately-owned infrastructure, hindi po ba supposedly dapat earthquake proof or calamity proof. Hindi ba mayroon po ‘yung standard?” pahayag ni Garin.

Inihayag din ng Kongresista na ang mga gusali sa bansa ay dapat makatagal ng magnitude 7 hanggang 8.4 na lindol batay sa naunang sinabi ng Association of Structural Engineers of the Philippines kung saan binanggit ang National Structural Code of the Philippines.

Ayon pa sa Iloilo lawmaker na ang mga gusaling nawasak dahil sa lindol ay hindi pa umabot sa lifespan na 50 years.

“With the statement that it was constructed in 1990, will our distinguish colleague agree with me na kapag ganito ang mga imprastraktura, ang kanilang lifespan has a minimum of 50 years?. Kung sasabihin po nating 50 years eh sana po ay ginawa ‘yan noong 1973 but with the statement na it was constructed in 1990 ibig sabihin po nito ay nasa 17 years pa lamang po ang lifespan ng project na ito,” pahayag ni Garin.

Pinuri naman ni Garin si Tulfo sa pagsusulong na amyendahan ang building code.