Sama-samang kinondina ng ilang mga world leaders na nagtalumpati sa United Nations sa New York ang ginawang invasion ng Russia sa Ukraine.
Una nang lumabas ang report na ninais na rin daw ng mga inilagay ng Moscow na lider sa inokupahang apat na areas sa Ukrainian regions ay magsagawa ng referendums sa mga susunod na araw para umanib umano sa Russia.
Pinalutang ng mga pro-Russian leaders ang pagsasagawa ng referendums sa Sept. 23-27 sa Luhansk, Donetsk, Kherson at Zaporizhzhia provinces, kung saan kumakatawan daw ito sa 15% ng Ukrainian territory.
Bilang reaksiyon sinabi ni Ukraine Foreign Minister Dmytro Kuleba na dumating din sa New York, kahit ano pa raw ang gawin ng Russia ay walang mababago at magsasagawa pa rin sila ng operasyon para ito ay mabawi.
Si French President Emmanuel Macron ay nagsabi na nakakatawa raw ang referedum kung itutuloy ito ng Russia.
Sa talumpati rin nina German Chancellor Olaf Scholz at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay pareho rin nilang tinuligsa si Putin kasabay ng pagbibigay diin na hindi dapat hahayaan na baliwalain ng Russia ang prinsipyo ng United Nations.