-- Advertisements --
pnp naa nay litrato sa 2 suspek sa pagpusil patay sa radio broadcaster sa misamis occ 1699274759 b

Kinondena ng Ambassador ng European union, Japan, United Kingdom at Germany ang papaslang sa radio brodcaster na si Juan Jumalon.

Kabilang dito si German Ambassador Andreas Pfaffernoschke, kung saan sinabi nito na kinokondena ng Germany ang pagpatay sa mamamahayag at suportado ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa malalimang imbestigasyon.

Aniya ang malaya at independent na pammahayag ay ang basehan ng isang masiglang demokrasiya kayat hindi dapat na kunsintihin ang impunity.

Inihayag naman ni EU Ambassador Luc Véron na ang pag-ataek sa mga mamamahayag ay hindi katanggap-tanggap.

Binigyang diin naman ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa ang sinabi ni PBBM na ang pagatake sa mga mamamahayag ay hindi dapat kunsintihin dahil maaring banta ito sa kahalagahan ng demokraisya.

Nagpahayag naman ng pagkabigla si British Ambassador Laure Beaufils sa pagpatay sa mamamahaya at umapela sa mga awtoridad na agad panagutin sa batas ang salarin sa likod ng karumal dumal na krimen at inihayag na dapat nagagawa ng mga mamamahayag ang kanilang trabaho nang malaya mula sa karahasan.

Nagpaabot din ang apat na envoy ng pakikiramay sa pamilya Jumalon.

Top