-- Advertisements --

Nagpadala na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng grupo nila na tutulong sa clearing operations sa Abra at mga lugar na tinamaan ng magnitude 7 na lindol sa Luzon.

Sinabi ni MMDA officer-in-charge Baltazar Melgar na mayroong 39-man crew kabilang ang mga personnel mula sa MMDA Road Emergency Group, Metro Parkways Clearing Group at Public Safety Division.

Ang nasabing hakbang ay base na rin sa panawagan ni Abra Governor Dominic Valera.

Pagtitiyak ni Melgar na kanilang gagawin lahat ang makakaya para makatulong sa mga nasalanta ng malakas na lindol.