-- Advertisements --

Hindi raw maiiwasan na makaranas ng pagkahilo ang isang indibidwal na naturukan ng Sinovac vaccine lalo na kung sa una pa lang ay kabado na ito sa pagtuturok.

Ito ang naging paliwanag ni Dr. Ramon Mora, post-vaccination observation team leader ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) makaraang mahilo at magkaroon ng rashes ang limang staff ng naturang ospital matapos silang bakunahan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine mula Sinovac Biotech ng China.

Ang isa sa mga ito ay male auxilliary staff na nakaramdam ng pagkahilo ilang sandali lamang matapos niyang maturukan ng Sinovac vaccine.

Paliwanag ni Mora, kabado na raw noong screening pa lang ang naturang staff kaya posible aniya na nakadagdag ito sa pagkahilo matapos ang pagbabakuna.

Nasa isang makeshift tent ang nasabing staff na nagsilbing post-vaccination observation station malapit sa VMMC vaccination area nang bigla itong tumawag ng medical assistance, kaagad naman itong inihiga sa stretcher at itinakbvo sa emergency room ng ospital.

Lahat ng mga indibidwal na tinurukan ng Sinovac vaccine ay dinala sa post-vaccination station upang manatili doon ng 15 hanggang 30 minuto para obserbahan.

Samantala, nakaranas naman ang ibang hospital staff ng rashes na posible raw mild reaction matapos bakunahan.

Tatlo pang staff ang nakaranas din ng pagkahilo na kaagad ding dinala sa ER.

Sinabi ni Dr. Johann Giovanni Mea, spokesperson ng VMMC, na standard protocol na ng ospital ang lahat ng indibidwal na nakararanas ng post-vaccination effects sa emergency room.

Dr. Johann Giovanni Mea, spokesperson of the VMMC, said bringing the individuals who experienced post-vaccination effects to the emergency room is a standard protocol of the VMMC even as he assured that the military hospital is prepared for any eventuality during the entire vaccination program.