-- Advertisements --
sim card

Magsasagawa ng ilang serye ng pagpupulong ngayong linggo para pag-aralan ang pagpapalawig pa ng Sim card registration 9 na araw na lamang mula ngayong araw bago ang nakatakdang deadline sa Abril 26.

Ayon kay National Telecommunications Commission Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, pinag-aaralan na ng kanilang ahensiya kasama ang Department of Information and Telecommunications Technology (DICT) gayundin ang mga telecommunication companies (telcos) kung kinakailangang ang extension ng registration.

Una rito, nagkaisa na ang malalaking telco players na nananawagan sa gobyerno na palawigin pa ang deadline kung saan nakikitang hadalang sa mabagal na pagusad ng bilang ng nagpapatala ng Sim cards ay ang kawalan ng IDs at digital capabilities.

Iniulat din kamakailan ng DICT na hindi pa nangangalahati ang bilang ng mga nakarehistrong sim cards sa buong bansa.

Muling paaalala naman sa publiko na sa ilalim ng SIM registration law ang mgamabibigong magparehistro ng Sim cards ay magreresulta sa deactivation.
Top