-- Advertisements --

Kinansela ng bandang Blink 182 ang unang yugto ng kanilang reunion tour dahil sa injury ng kanilang drummer na si Travis Barker.

Nagtamo kasi ng injury sa kaniyang daliri si Barker noong nakaraang buwan habang nag-eensayo.

Dahil sa insidente ay hindi niya makayanan ang pagtugtog.

Sinabi naman ng kanilang vocalits na si Tom DeLonge na sasailalim si Barker sa operasyon at matatagalan ng ilang linggo bago ang paggaling nito.

Ilan sa mga show na maapektuhan ay sa Marso 11 hanggagn Abril 2 na ito ay gaganapin hanggang Abril 2 sa South America.