-- Advertisements --
cropped Senate hearing bilibid Bucor faeldon 7

Binatikos ng ilang Senador ang pangingialam ng gobyerno ng China sa foreign policy ng Pilipinas partikular na sa desisyon nito na palawigin pa ang saklaw ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estadod Unidos.

Ito ay kasunod ng babala ng China na maaaring makaladkad umano ang bansa sa krisis na kinakaharap ng Tiawan dahil sa pagpapahintulot sa ating teritoryo para mag-host ang Ameican forces sa ilalim ng EDCA.

Ayon kay Senator Francis Escudero na mayroong karapatan ang ating bansa, maging ang China at anumang sovereign nation na i-pursue ang foreign policy at hindi dapat na matakot sa anumang banta na hindi aniya maikokonsiderang “friendly”.

Sinabi din ng Senador na ang China ang sumisira sa stability ng rehiyon dahil sa ginagawa nito sa Taiwan at Pilipinas sa may West Philippine Sea.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Senator Imee Marcos na maaaring makaladkad ng bansa sa tension sa pagitan ng China at Taiwan.

Ipinunto ng Senadora na kapag ang mga EDCA sites na ito ay gagamitin bilang staging areas para sa military intervention ng Amerika sa Taiwan posible aniya na madamay ang bansa.

Iginiit naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang pangangailangan na i-review ang nanakapaloob sa Mutual Defense Treaty.