-- Advertisements --
image 666

Nagsimula nang magsibalikan mula sa kanilang mga tahanan ang libo-libong mga residenteng apektado ng malawakang wildfire sa Lahaina, Hawaii.

Ito ay matapos na buksan ng pamahalaan ang isang bahagi ng lugar upang mapahintulutan ang mag residente na bumisita dito mula alas-8:00am hanggang alas-4:00pm.

Ayon kay Maui Emergency Management Agency interim administrator Darryl Oliveira, binalot ng matinding emosyon ang buong lugar nang makita ng mga residente ang sinapit ng historical capital ng Hawaii na Lahain na dating nagsilbing Hawaiian kingdom nang dahil sa wildfire.

Aniya ang naturang mga indibidwal ay muling nagbalik sa kanilang mga tahanan upang alamin kung gaano kalala ang pinsalang tinamo ng kanilang mga ari-arian.

Sa datos, aabot sa 97 katao ang nasawi nang dahil sa nasabing trahedya habang nasa mahigit 2,000 gusali at kabahayan naman ang nasira.

Samantala, patuloy naman ang paalala ng mga opisyal hinggil sa negatibong epekto ng pagkakalanghap sa mga abo mula sa mga natupok sa lugar.