Ilang residente ng Palawan, nasa maayos nang kalagayan matapos ilikas dahil sa baha
loop: via viber
Nilusong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Northern Palawan personnel ang rumaragasang tubig-baha upang mailikas ang mga residente ng Barangay Corong-Corong, El Nido, Palawan.
Dinala ang mga ito sa isang pansamantalang tuluyan, kung saan binigyan din sila ng ilang pangangailangan.
Maging sa ibang coastal areas ay nagbantay din ang mga tanod baybayin dahil sa epekto ng bagyong Dodong at malakas na hanging habagat.
Samantala, bunsod pa rin ng sama ng panahon, pansamantala nang sinuspinde ng Coast Guard ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat.
Maging ang mga tourist motorbanca sa Northern Palawan ay hindi rin muna pinahintulutang makapaglayag.