Sisimulan na rin ang unti-unting pagtatanggal ng lockdown na ipinatupad sa federal capital territory ng Abuja, ang mga estado ng Lagos at Ogun simula sa susunod na linggo.
Nakatakda sanang matapos ang lockdown ngayong araw ngunit napagdesisyunan ni Nigerian President Muhammadu Buhari na ipagpatuloy lamang ang naturang patakaran.
Kasabay nito ay nagpatupad din si Buhari ng panibagong patakaran sa buong Nigeria bilang isa sa kanilang mga hakbang para labanan ang COVID-19, kabilang na rito ang curfew tuwing gabi at palaging pagsusuot ng face masks.
Layunin umano ni Buhari ang siguraduhin na patuloy pa ring tumatakbo ang ekonomiya ng kanilang bansa habang nilalabanan ang nakamamatay na virus.
Sa ngayon ay nakapagtala na ang Nigeria ng 1,273 coronavirus cases at 40 ang namatay.