Inaalam na ngayon ng national task force to end local communist and armed conflict ang mga paaralang posibleng may kaugnayan sa mga komunistang teroristang grupo sa pilipinas.
Ito ay inihayag ng naturang task force kasunod ng pagkakatalaga kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte bilang co-vice chairperson ng ntf-elcac.
Ayon kay USEC. Ernesto torres, ang secretariat executive director ng NTF-ELCAC, kasalukuyan nang tinutukoy ngayon ng kanilang grupo ang mga paaralang posibleng affiliated ng komunistang grupo na new people’s army.
Aniya, ang mga paaralang ito ay dadaan sa pagsusuri ng department of education at department of national defense na tutukoy at magva-validate sa mga ito upang malaman kung aling mga paaralan ang kinakailangang ipasara upang hindi na makapanlinlang pa ng mga mag-aaral na kanilang ire-recruit bilang bagong miyembro ng nasabi komunistang grupo.
Dagdag pa ni torres, sa ngayon ay mayroon nang 115 na mga paaralang nauugnay sa mga komunistang teroristang grupo ang tuluyan nang ipinasara ng pamahalaan mula sa iba’t ibang panig ng pilipinas.
Kasabay nito ay kaniya muling binigyang-diin ang kahalagahan ng magiging papel ni Vice President Duterte bilang isa sa mga pangunahing opisyal ng nasabing task force kung saan inaasahang magagamit niya ang kaniyang posisyon bilang kalihim ng kagawaran ng edukasyon upang tuldukan na ang recruitment ng new people’s army sa mga paaralan sa pamamagitan ng kasinungulingan at panlilinlang sa mga kabataan.
Samantala, ngayong araw ay inaasahang magkakaroon ng pagpupulong ang ntf elcac sa mga regional directors ng deped upang talakayin ang mga banta na dulot ng mga komunistang teroristang grupo sa bansa na pangunahing tumatarget ng mga mag-aaral at mga manggagawa para sa recruitment ng kanilang mga miyembro.
Bukod dito ay naghahanda na rin ang nsabing task force para sa pagpapatupad ng kanilang mandato mula sa dating warriors of peace tungo sa pagiging bringers of peace alinsunod sa iniutos ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na mapayapang at nagkakaisang pagsugpo sa mga teroristang grupo sa pilipinas.