-- Advertisements --
germany denmark health virus 115848

KORONADAL CITY – Nagsasagawa ng fundraising activity ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Denmark upang matulungan ang mga kababayan nating apektado ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Hannah Krishia Oliveros na nagtatrabaho bilang isang marketing specialist at tubong-General Santos City, pinangunahan nito ang pagsasagawa ng paghingi ng mga pondi upang matulungan nila ang mga pamilyang walang makain sa panahon ng krisis na ito.

Maliban dito, nagdo-donate rin sila ng mga personal protective equipment sa mga ospital lalo na’t sineseryoso ng mga Danish ang banta ng covid.

Samantala, ibinahagi ni Oliveros na mahigpit ang pagtalima ng mga tao sa ipinaiiral na mga patakaran ukol sa naturang virus at striktong ipinapatupad ang social distancing.

Nagsimula naman ang pagbubukas ng ibang mga negosyo bagamat nag-iingat pa rin ang mga ito.

Dagdag rin nito na maaaring mamultahan ng hanggang 7,500 kroner o P100,000 na halagaang sinumang lalabag sa mga protocol.