-- Advertisements --

Ilang opisyal at miyembro ng PDP-Laban ang nakakaranas ng pressure, dahil sa bangayan ng mga matataas na opisyal ng kanilang partido.

Magugunitang umigting pa ang palitan ng salita nina Pangulong Rodrigo Duterte (party chairman) at Sen. Manny Pacquiao (party president).

Nagadgadan pa ito ng bangayan nina Pacquiao at Energy Sec. Alfonso Cusi (party vice chairman), na nauwi sa pagtanggal sa kalihim at dalawang iba pa.

Ayon naman kay Sen. Koko Pimentel, may nagte-text sa kaniya para dumistansya kay Pacquiao.

Pero binabalewala lang daw nito ang mga ganoong mensahe.

Hangad ni Pimentel na maayos pa rin ang sitwasyon ng kanilang partido na itinayo pa ng kaniyang amang si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.