-- Advertisements --

Sinibak sa puwesto ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky anglahat ng mga opisyal nito na nangangasiwa ng military recruitment centers.

Sinabi nito na ang hakbang ay dahil sa malawakang kurapsyon na kinasangkutan ng mga opisyal.

Inihalimbawa ng Ukrainian president ang resulta ng inspection ng military registration at enlistment offices.

Isinagawa nito ang anunsiyo matapos ang pagpupulong niya sa kaniyang National Security at Defense Council.

Inihahanda na rin nito ang 112 na criminal cases laban sa mga opisyal.

Iginiit nito na dapat ang mga nangangasiwa sa mga posisyon ay kabisado ang lahat ng trabaho sa pakikipaglaban.