-- Advertisements --

Magsasama sina rock legend Mick Jagger at actor Will Smith at ilang mga sikat na mga artista para sa apat na oras na concert para sa pagkalap ng pondo sa paglaban sa coronavirus sa India.

Ilan sa mga napili na magtatanghal ay sina Virat Kohli ang cricket team captain, actors gaya nina Priyanka Chopra at Shah Rukh Khan.

Inorganisa ni Bollywood directors Karan Johar at Zoya Akhtar ang nasabing show na ipapalabas online para bigyang pagpupugay ang mga frontliners na lumalaban sa pandemic.

Ibibigay ang nasabing malilkom na pondo para sa 100 groups na nagbibigay ng pagkain at ibang mga essential services sa kasagsagan ng krisis.

Mula pa kasi noong Marso 25 ay naka-lockdown na ang India kung saan nakatakda itong luwagan sa Mayo 17.