-- Advertisements --

Nagsagawa ng mandatory evacuation ang mga residente ng Kupyansk city sa Ukraine dahil sa patuloy na pagpapaulan ng Russia ng kanilang missile.

Ayon sa city military ng Kupyansk na kanilang inililikas ang mga residente na hirap maglakad, may kapansanan at mga magulang kasama ang kanilang mga anak.

Naging normal naman ang operasyon ng suplay ng kuryente subalit nagpatupad sila ng online-class sa mga mag-aaral na naapektuhan ng pag-atake ng Russia.

Ang nasabing lugar ay sinakop ng Russia mula pa noong nakaraang taon subalit ito ay nabawi ng Ukraine noong Setyembre 2022.