-- Advertisements --

Nagbabadya na magtaas ng kanilang singil ang mga private hospital sa bansa.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Jose Rene de Grano, na pinaplano ng ilang mga kasamahan na magtaas ng hanggang limang porsyento sa mga sinisingil nilng fees.

Kasunod ito sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nagiging apektado ang mga pagdeliver sa mga suplay nila ng gamot at ibang mga medical supplies.

Hindi kasi maaring mag-operate ang mga pagamutan ng walang standby generator kung saan may ilang pagamutan din ang lumipat sa renewable energy para tumulong sa power utility subalit ito ay may kamahalan.

Paglilinaw nito na dedepende pa rin ito kung paano makayanan ng pagamutan ang kasalukuyang sitwasyon.