-- Advertisements --

Kinumpirma ng Fiji Defense Minister na kabilang ang ilang mga Pilipino na lulan ng Fiji Airways flight na umalis mula sa war-torn country na Israel.

Ayon kay Defense Minister Pio Tikoduadua, kabilang sa international travelers na nasa flight ang ilang mga Pinoy, Amerikano, Canadian, 13 Australian, 16 New Zelanders at 8 Samoans.

Nakatakdang dumating ang nasabing flight sa Nadi, Fiji ngayong araw.

Una ng dumating ang Fiji Airways special flight 2394 sa Ben gurion airport noong Martes sa isang msiyon para mapauwi ang kanilang mga mamamayang Filjians at ligtas na nakaalis mula sa Israel.

Matatandaan din na ilang mga international airlines na ang nagsuspendi ng kanilang mga biyahe sa Tel Aviv matapos sumiklab ang giyera dahil sa sorpresang pag-atake ng rebeldeng Hamas sa Israel noong Sabado na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan na nakaapekto sa daan-daang flights.