-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Automobile Association of the Philippines (AAP) na pansamantala muna nilang ititigil ang mga motorsports event sa bansa.

Kasunod ito sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng state of national energy emergency sa bansa.

Ayon sa AAP na dahil ang mga motorsports ay dumedepende sa gasolina ay kailangan nilang kanselahin pansamantala ang mga sporting events bilang bahagi ng pagtitipid.

Ilan sa mga AAP-sanctioned racing events ay ang mga rallycross championships, karting, slalom, national drag racing at iba pa.