-- Advertisements --
Nasa Taiwan ngayon ang panibagon bilang ng mga mambabatas mula Amerika.
Ang 2-day unannounced visit sa Taipei ng delegasyon ay pinamumunuan nina Massachussets Democratic Senator Ed Markey, Democratic Reps. John Garamendi, Alan Lowenthal and Don Beyer at Republican Rep. Aumua Amata Coleman Radewagen.
Nakatakda silang makipagpulong kay Taiwan President Tsai Ing-wen at Foreign Minister Joseph Wu.
Ilan sa mga tatalakayin nila ay ang usapin ng kalakalan at ibang mga usapin para sa ikakabuti ng dalawang bansa.
Ito na ang ikalawang US congressional visitors sa Taiwan ngayong buwan pa lamang.
Magugunitang ikinagalit ng China ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan noong nakaraang mga linggo.