Nagtulong-tulong sina British music stars Harry Styles at Ed Sheeran ganun din si NBA star Shaquille O’Neal at ilang mga celebrities para makalikom ng pera para sa pagsuporta sa healthcare sa Ukraine.
Inilunsad kasi ng World Health Organization (WHO) Foundation ang “Human Kind” e-store kung saan ang mga fans ay maaring mapanalunan ang kanilang mga kagamitan na donasyon ng kanilang paboritong celebrities.
Layon nilang makalikom ng nasa $53.7 milyon para sa tulungang makabangon gn Ukraine at mga kalapit na bansa.
Ilan sa mga bagay na ibinigay ni Styles ay ang pirmadong vinyl niya habang ang pirmadong shirts at jerseys naman ang ibinigay na donasyon nina NBA star O’Neal at Ukrainian footballer Vitaliy Mykolenko.
Nagbigay naman si Wladimir Klitschko na dating heavyweight boxing champion at kapatid ng alkalde ng Kyive ng boxing gloves.
Ang British pop legend na si Annie Lennox ay nagbigay ng donasyon ng kaniyang iconic sunglasses.