-- Advertisements --
Nagpulong ang mga lider ng US, Britanya, France at Germany.
Ayon sa White House isa sa mga tinalakay nila ay ang pagbuhay ng 2015 Iran nuclear deal.
Hindi naman na nagbigay pa ng anumang karagdagang detalye ang mga lider sa nasabing usapin.
Isa sa tiniyak nina US President Joe Biden, British Prime Minister Boris Johnson, French President Emmanuel Macron at German Chancellor Olaf Scholz ang pagpalakas sa mga partners nila sa Middle East region.
Bukod pa dito ay kanilang natalakay ang mga solusyon na maaring gawin sa patuloy na kaguluhan sa Ukraine at Russia.
Magugunitang patuloy umano ang ginagawang pagpapalawig ng Iran sa kanilang nuclear program na ikinagalit ng US at ilang mga bansa.










