
Nakakaranas ng malakas na hangin at mga pag-ulan sa ilang lugar sa Metro Manila nitong umaga ng Miyerkules na nagdulot ng pagbaha.
Kung saan umabot hanggang tuhod ang lalim ng baha sa may Valenzuela city partikular sa parte ng Arkong Bato na isa sa pangunahing kalsada sa lungsod.
Naitala naman ang gutter-deep floods sa may MH del Pilar, Maysilo at Tatawid intersection.
Ilang parte naman ng Rizal avenue corner C3 road sa Caloocan at portion ng Araneta Avenue sa Quezon city ang lubog sa baha kaninang alas-3 ng umaga.
Lahat naman ng mga apektadong kalsada ay passable para sa lahat ng uri ng mga sasakyan sa mga oras na ito.
Una ng itinaas sa yellow rainfall warning ang nasabing mga lungsod na ibig sabihin posible ang pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar.










