Nagpalipas ng magdamag ang ilang katao sa Japan sa iba’t-ibang evacuation centers matapos ang pagtama ng malakas na lindol.
Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi kung saan maraming mga gusali na rin ang nasira sa magnitude 7.6 na lindol.
May ilang katao rin ang naipit at hindi makalabas mula sa mga gumuhong gusali dahil sa nasabing lindol.
HIndi naman bababa sa 600 na aftershocks ang naranasan kung saan ayon sa mga eksperto na tatagal ang mga aftershocks ng mahigit isang linggo.
Nawalan rin ng suplay ng kuryente sa Suzu City sa Ishikawa prefecture dahil sa nasabing lindol.
Ito na ang sinasabing matinding pagyanig sa Japan mula noong 2011 ng tumama ang magnitude 9 na lindol na nagresulta sa tsunami at ikinasawi ng mahigit 18,000 katao.
Dahil rin sa nasabing nagdaang lindol ay bumigay ang Fukushima power plant.