Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pagsasara ng ilang kalsada ngayong weekend.
Mamayang gabi na kasi isasagawa ang seremonya para sa pagpapalit ng pangalan ng naturang lansangan patungo sa Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.
Tatagal ang pagsasara ng nasabing daanan hanggang sa araw ng Sabado.
Base sa abisong inilabas ng QC LGU, apektado ng road closure ang bahagi ng BIR Road papuntang Quezon Avenue mula sa bahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas hanggang Science Garden.
Isasara rin ang bahagi ng bike lane sa East Avenue malapit sa pasukan ng BIR Road.
Nakabukas naman sa trapiko ang kabilang bahagi ng BIR Road papuntang East Avenue.
Ang batas na palitan ang Agham at BIR Road ay bilang pagbibigay pagkilala may dating Senator Santiago dahil sa kanyang mga ambag bilang opisyal ng gabinete at bilang mambabatas, kasama na ang paglaban sa korapsyon.
Nakapaloob ito sa Republic Act 11963, kung saan papalitan ang Agham Road at BIR Road sa QC at tatawagin na sa pangalanb ng yumaong senadora.
Isa sa kilalang landmark sa lugar ang Office of the Ombudsman.