-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nadiskubre ng mga otoridad ang iba’t ibang kagamitan na hinihinalang ginagamit na pambutas sa drainage canal sa bahagi ng Maharlika Highway, Brgy. Centro East, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, habang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga kasapi ng Santiago City Police Office (SCPO) ay nadiskubre nila ang 2 hydraulic jack, 2 martilyo, plier, lagaring bakal, metal shifting, concrete chisel, 4 gwantes, at 6 scrap woods na hinihinalang ginagamit ng mga miyembro ng Termite Gang.

Sa ngayon ay dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga nakuhang kagamitan at isinailalim sa pagsisiyasat.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may miyembro ng nasabing grupo na nag-ooperate sa Santiago City.

Paalala ng pulisya sa publiko na tiyaking nakalock ang kanilang mga bahay kung aalis upang hindi sila masalisihan ng mga kawatan.