-- Advertisements --
naia 2

Inanunsiyo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanselasyon ng apat na international at domestci flights dahil sa Super typhoon Betty.

Sa inisyung advisory ngayong araw, kabilang sa kinanselang flights ng NAIA ngayong araw ay ang

Philippine Airlines (PR) flight : PR 437/438 Nagoya-Manila-Nagoya at CebGo (DG) flight *DG 6881/6882 Manila-Surigao-Manila

Kinansela na rin ang iba pang naka-schedule na flights ng Philippine Airlines sa araw ng Lunes, Mayo 29.

Kabilang dito ang flights PR2932/2933 Manila – Basco – Manila, PR2198/2199 Manila – Laoag – Manila, PR2230/2231 Cebu – Baguio – Cebu.

Gayundin ang flights sa araw ng Martes May 30, 2023
PR2196/2197 Manila – Laoag – Manila
PR2198/2199 Manila – Laoag – Manila
PR2932/2933 Manila – Basco – Manila

Sa May 31, 2023, kanselado ang mga flights
PR2932/2933 Manila – Basco – Manila
PR2936/2937 Manila – Basco – Manila

Pinapayuhan ang mga indibidwal na nakansela ang flights na mag-rebook sa susunod na available na flight gamit ang Self-Re-accomodation tool.

Hinihikayat din ang mga pasahero na i-check muna ang status ng flight bago magtungo sa airport.