Kinumpirma ng Iglesia ni Cristo (INC) spokesperson na si Bro. Edwil Zabala na ang isinagawang rally sa EDSA ngayong umaga ay bilang suporta kay Senator Rodante Marcoleta.
Naganap ito matapos ianunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na kakasuhan si Marcoleta ng plunder, na isang non-bailable case
Ayon kay Zabala, hindi tutol ang INC sa pagpapatupad ng batas ngunit tutol sila sa pagbaluktot nito, lalo na kung layunin ay pagtakpan ang katiwalian.
Binigyang-diin niya na si Senador Marcoleta ang nanguna sa imbestigasyon sa isa sa pinakamalaking pandarambong sa kasaysayan ng bansa.
Dagdag pa ng INC, kahit ipapreso si Marcoleta ay hindi sila titigil sa panawagan para sa hustisya, transparency, at accountability.
Nanawagan sila para sa transparency, accountability, justice, at peace, at iginiit na ang selective justice ay isang uri ng injustice.
Kahapon, inanunsyo ni Ombudsman Remulla na ngayong linggo ay ihahain sa Sandiganbayan ang non-bailable case laban kay Marcoleta kaugnay ng campaign donations na nagkakahalaga ng P75 milyon.
Maliban sa kanila, ilang grupo rin umano ang kabahagi sa biglaang rally.
















