-- Advertisements --

Nagsisibabaan na ang presyo ng ilang gulay ngayong papalapit na ang pasko, ayon yan kay Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura.

Karamihan sa mga bumaba ang presyo ay ang mga Upland vegetables na galing benguet gaya nalamang ng Repolyo at Carrots,.

Ayon kay Rosendo So, ang presyo ng ng repolyo ngayon ay naglalaro nalang sa P12 – P18, kumpara sa presyo noong nakalipas na isa at kalahating buwan na nasa P30 sa presyo ng whole sale sa Bengeut. Sa carrots naman nasa P17 – P30 nalang ang presyuhan. Ani So, halos kalahati ng dating presyo nito ang ibinaba.

Samantala, dismayado naman ang ilang nagtitinda ng karne sa pasay market dahil kahit papalapit na ang pasko ay sobrang tumal pa rin daw ang bentahan.

Ayon kay Yoli Alegre, tindera ng karneng baboy sa Pasay market, bagsak ang kita nila ngayon dahil kahit tumaas ang presyo ng kuha nilang karne, hindi pa rin nila ito maibenta sa mataas na presyo sa rason na mas pipiliin ng mga suki o customer nila ang frozen na karne. Aniya pa, minsan ay hindi na umaabot sa P300 ang kita nila sa isang araw sa palengke.

Apektado ngayon ang presyo ng karne sa pagpasok ng mga imported na mas mura kumpara sa sariwang karne.

Sa ilang palengke ang presyo ng imported na karne ay nasa P265 lang pero ang sariwang lokal na karne o ang laman ay nasa P340 hanggang P350.