-- Advertisements --

Nakatakdang maghain ng pag-apela ang isang grupo ng mga hog at corn farmers tungkol sa inaprubahang rekomendasyon ng Committee on Tariff and Related Matters na babaan ang taripas sa ilang mga bilihin.

Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) at Philippine Maize Federation Inc. (PhilMaize), mismong kay Pangulong Rodrigo Duterte sila aapela na huwag nang maglabas pa ng bagong kautusan hinggil dito.

Hindi naman daw kasi ito makakatulong sa ekonomiya ng bansa, partikular na sa mga mamimili.

Anila, ang tariff reduction ay hindi magandang senyales sa mga kababayan nating magsasaka kundi mas pinararamdam pa raw nito na walang pakialam sa kanilang kapakanan ang pamahalaan dahil tila pinupuksa raw nito ang kanilang kabuhayan at ang kanilang pangunahing karapatan na mamuhay nang may dignidad.

Samantala, una nang sinabi ni Agriculture Undersecretary for Policy, Planning, and Research Fermin D. Adriano na ang naging desisyon ng CTRM na aprubahan ang nasabing rekomendasyon ay isang matapang na hakbang upang iwasan ang kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa