-- Advertisements --

Nadismaya ang ilang grupo ng mga negosyante sa pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagbuo ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB).

Ayon sa Joint Foreign Chambers, Safe Travel Alliance at International Airport Transport Association, na ang na mayroong malaking tulong ito sa sektor ng transportasyon.

Dagdag pa ng grupo na sakaling maging batas ito ay magkakaroon ng iisang ahensiya na mag-iimbestiga sa usapin ng transportasyon.

Magugunitang ipinaliwanag ng pangulo na kaya niya nai-veto ito ay dahil sa mayroon ng mga ahensiya na humahawak sa nasabing mga problema at kalagayan ng transportasyon.