-- Advertisements --

Kinalampag ng ilang grupo ang Department of Agriculture (DA) dahil sa kakulangan ng tulong sa mga magsasaka.

May bitbit na mga kalderong walang laman, plakard at bilao ang mga grupo ng Amihan, Bantay Bigas, Pamalakaya, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Anakpawis partylist para iparating sa DA ang kanilang hinaing.

Ilan sa mga dito na itinuturing na food security frontliners ay napapabayaan ng gobyerno.

Binatikos din ng mga ito ang patuloy na food importation na siyang sumisira sa mga local na magsasaka.