-- Advertisements --
Matapos masunog ang isang LPG tanker 2:44 PM, pansamantalang isinara muna ang magkabilang linya ng Candaba Viaduct sa NLEX.
Agad namang naitabi sa emergency lane ang nasabing truck at mabilis din naapula ang apoy.
Bagamat fireout na ang nangyaring sunog hindi pa rin pinadadaanan ang magkabilang linya ng Candaba Viaduct hangga’t hindi nasisigurado na malamig na ang nasusunog na truck.
Dahil dito na divert sa Pulilan, San Simon, San Fernando papunta sa McArthur Highway ang mga apektadong motorista.
Nagdulot naman ng matinding daloy ng trapiko ang nasabing insidente.