-- Advertisements --

Sumunod na rin ang iba pang oil companies na magpatupad ng roll back sa presyo ng LPG.

Nag-anunsiyo din ang EC Gaz at Cleanfuel na ipinatupad nila kaninang alas-8:00 ng umaga ang price adjustment sa LPG bilang salubong sa unang araw ng buwan ng Setyembre.

Ang EC Gas LPG ay nagroll back ng P18 kasa 11 kilogram ng LPG.

Habang ang Auto LPG ay may P1.00 na rollback sa kada liter.

Una rito ang Petron at Phoenix ay nag-anunsiyo din ng kanilang rollback.

Lumabas na rin ang impormasyon mula sa Department of Energy (DOE) na ang retail prices sa 11 kilogram household LPG tank ay nagkakahalaga sa pagitan ng P838 hanggang P1,024.