-- Advertisements --

Nasa 12 na ang patay habang mahigit 10,000 katao ang inilikas sa nangyaring pagbaha sa ilang bahagi ng China.
Maraming mga lungsod ang apektado ng pagbaha kung kaya’t maraming kalsada ang isinara at lahat ng mga flights ay cancelled.
Ang Henan province na may 94 million population ang siyang pinaka-apektado sa naranasang sama ng panahon.
Sa ngayon, kinatatakutan ng marami ang dam ng Henan province na masira dahil sa pagbaha.
Idineploy na sa nasabing area ang mga sundalo upang tutulong sa posibleng rescue operations.
















