Muling nakapaghatid ng tulong ang Kamara sa isinagawang ikalimang araw ng relief drive sa probinsya ng Quezon; Paete, Laguna at Antique ang hinatiran ng tulong.
Nasa 200 sako ng tig limang kilo ng bigas, 40 bundles ng bottled water, at 1,000 relief packs ang ibiniyahe pa-Quezon para sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.
Habang 1,000 relief goods din na may 100 bundle ng bottles water at 50 box ng corned beef naman, ang inilaan para sa mga biktima sa Antique.
Sa Paete, Laguna, 200 bag ng tig limang kilo ng bigas, 50 bundles ng bottled water, 50 boxes ng corned beef, at 10 bag ng diaper ang ipinadala.
Miyerkules ng gabi nang maghatid din ng relief goods, tubig at bigas sa Dasmariñas Cavite at Rizal.
Relief goods, bigas, diaper at noodles naman ang para sa Calamba, Laguna.