-- Advertisements --

Inaasahang magiging mainit ang paghaharap ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts sa best of seven PBA Governors’ Cup Finals.

Ito na ang pang-apat na beses na paghaharap ng dalawang koponan sa Finasl kung saan tatlong beses na tinalo ng Gins ang Bolts.

Nakapasok ang Gins sa finals ng maipanalo nila ang walo sa huling 10 laro kabilang ang panalo nila sa apat na beses laban sa NLEX sa semifinals.

Naipanalo naman ng Bolts ang limang laro sa huling pitong laro nila at tinalo nila Magnolia sa limang laro noong semifinals.

Target ng Gins na makuha ang 14th PBA championship at ang pang-apat na Governors Cup title sa huling limang edisyon.

Habang ang Bolts ay target na makakuha ng unang beses na pagkampeonato.

Ipinagmamalaki ng Gins ang ka nilang beteranong import na si Justin Brownlee na mayroong average na 30 points at si Scottie Thompson habang ang Bolts ay umaasa sa kanilang import na si Tony Bishop na mayroong average na 25.5 points kasama si Allein Maliksi.