BAGUIO CITY – Nahaharap sa patong patong na kaso ang isang high value individual na ika-walo sa Top 10 drug personalities ng buong Cordillera Region matapos nagbenta ng iligal na droga at nakipagbarilan sa mga otoridad sa buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa San Vicente, Baguio City.
Una nang nakilala itong si Jeffrey Pascua Tolentino alyas Epoy, 35-anyos at residente ng SLU-SVP Housing Village, Baguio City.
Ang kasong kinkaharap ni Tolentino ay kinabibilangan ng kaso paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehenssive Dangerous Drugs Act of 2002, maihahain din laban sa kanya ang direct assult upon an agent of person in authority at ang kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act.
Una nang sinabi ni Police Col. Allen Rae Co, director ng Baguio City Police Office, nakahalata si Tolentino matapos makipagpalitan ng item sa operatiba na nagpanggap na poseur-buyer at dahil dito nagtangkang tumakas sakay ang isang Hilux na may plakang CAN 5369.
Gayunman, habang tumatakas ay nabunggo nito ang isang closed van at isang taxi na may laman pasahero.
Sinabi ni Co na sinubukan ulit ni Tolentino na tumakas at dito na niya pinagbabaril ang mga otoridad kung kayat agad na gumanti ang mga ito na nagresulta sa pagkatama ng paa ni Tolentino.
Agad na isunugod si Tolentino sa malapit na ospital.
Nakumpiska mula sa sasakyan ni Tolentino ang karagdagang limang pakete ng pinaniniwalaang shabu, tatlong pakete ng pinaniniwalaang marijuana, isang drug paraphernalia at ang ginamit niyang baril.