-- Advertisements --
Nakuha ni Iga Swiatek ang kaniyang ikalawang Grand Slam title ngayong taon.
Ito ay matapos na talunin niya sa US Open final si Ons Jabeur ng Tunisia sa score na 6-2, 7-6 (7/5) sa laro na tumagal ng isang oras at 52 minuto.
Noong Hunyo kasi ay nagkampeon na ito sa French Open.
Dahil dito ay naging unang babae ang 21-anyos na nagwagi ng dalawang Grand Slams sa single season mula noong 2016.
Naipanalo rin niya ang last 10 finals ng walang katalo-talo sa set.
Bukod sa trophy ay nag-uwi siya ng $2.6 milyon na cash money.