-- Advertisements --

Nanawagan si Iceland’s President Gudni Johannesson sa mga mamayan nila na magkaisa matapos ang naganap na pagputok ng bulkan sa Grindavik.

Dahil sa nasabing insidente ay maraming mga residente ang inilikas.

Umabot na kasi sa kabahayan ang lava na nagdulot ng pagkasunog ng mga kabahayan sa lugar.

Ayon naman kay Prime Minister Katrin Jakobsdottir na ang nasabing araw ay itinuturing na madlim na araw hindi lamang sa Grindavik kung hindi pati sa buong Iceland.