-- Advertisements --

Ipnag-utos ng International Criminal Court Trial Chamber III ang panibagong kumprehensibong medical examination ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Layon nito ay para malaman ang kakayahan niyang tumayo sa pagdinig na magsisimula sa darating ng Nobyembre 30.

Sa inialbas na desisyon noong Hunyo 12, ay muling pinagana ang multidisciplinary medical panel na nagsasagawa ng evaluation sa dating pangulo para sa kaniyang pre-trial phase.

Una ng hiniling ng defense team ng evaluation noong Mayo 25 kung saan kinontra nila ang unang desisyon ng korte na ito ay malusog para humarap sa pagdinig.

Nahaharap ang dating pangulo sa crime against humanity dahil sa madugong kampanya nito sa iligal na droga.