Kinumpirma ng Bar Standards Board (BSB) ng Britain nitong Biyernes ang pansamantalang pagsususpinde kay Karim Khan, ang dating chief prosecutor ng International Criminal Court (ICC), kaugnay ng mga akusasyon ng sexual misconduct na kinahaharap nito.
Ayon sa BSB, agad na epektibo ang naturang suspensiyon.
Sa kanilang pahayag kinakailangang suriin ang interim suspension ng isang Interim Suspension Panel sa isang pagdinig na isasagawa sa loob ng susunod na apat na linggo.
“Under the BSB’s Enforcement Regulations, the interim suspension must now be considered by an Interim Suspension Panel at a hearing within the next four weeks,” pahayag ng BSB.
Magugunitang na una nang sinuspinde ng ICC si Khan noong Hunyo 8 habang isinasagawa ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban sa kanya.
Si Khan, 56 anyos, ay mariing itinanggi ang lahat ng akusasyon ng sexual misconduct na ibinabato laban sa kanya.















