-- Advertisements --

Pinagsasabay ngayon ni boxing champion Jerwin Ancajas ang pagtupad sa dalawa nitong pangarap, kahit may umiiral na COVID-19 pandemic.

Sumasabak kasi si Jerwin sa pagsasanay bilang Philippine Navy reservist at nag-eensayo rin para sa susunod nitong boxing match sa Setyembre kontra kay Jonathan Rodriguez ng Mexico.

Sa nasabing laban, idedepensa ng fighting pride of Panabo City ang kaniyang IBF junior bantamweight title.

Ayon sa trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez, suportado niya ang dobleng pagsasanay ng alaga, lalo’t siya mismo ay nanggaling din sa Philippine Navy.

Magtatagal ang ensayo ni Jerwin hangga’t nasa Pilipinas ito.

May mgha nakahanay ding light training sa pagdating nito sa Estados Unidos, bago ang actual match sa katunggaling Mexican fighter.